#PIDSInfoBits: Alam mo ba na bukod sa Metro Manila, mayroon ding metropolitan authorities sa Metro Naga, Metro Cebu, Metro Davao, at Metro Baguio?
Sa ilalim ng 1991 Local Government Code, isa sa mga naging paraan upang mas mapabuti ang pangangasiwa ng mga local government units (LGUs) ay ang pagbuo ng metropolitan authorities sa mga magkakatabing munisipalidad o siyudad. Ito ay upang mas napapadali ang kooperasyon sa pagitan ng mga LGUs sa paghahatid ng mga serbisyo.
Alamin ang estado ng kooperasyon sa pangangasiwa ng mga magkakaratig na LGUs sa Pilipinas sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Revisiting Metropolitan Governance: Improving the Delivery of Urban Services through Inter-LGU Cooperation” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/revisiting-metropolitan-governance-improving-the-delivery-of-urban-services-through-inter-lgu-cooperation