#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na disaster risk reduction and management (DRRM) at imprastraktura ang dalawa sa pinaka-devolved na sektor sa mga panlalawigang local government units (LGUs)?
Nakita sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies na 91 porsyento ng mga projects, programs, and activities (PPAs) ukol sa DRRM ang partially o fully assumed na sa mga panlalawigang LGUs. Samantala, 79 porsyento naman ang bilang sa sektor ng imprastraktura.
Sa kabilang banda, mas mataas ang bilang ng PPAs na kailangang i-devolve sa mga sektor ng social welfare, kalusugan, agrikultura, at kapaligiran.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Baseline Study on the State of Devolution in the (Pre-Mandanas) Philippines