#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na sektor ng kalusugan ang may pinakamaraming projects, programs, and activities (PPAs) na kailangang ma-devolve sa mga local government units (LGUs)?
Mga LGUs na may mataas na kapasidad ang tumukoy sa pinakaraming bilang ng PPAs para sa health sector. Bagamat mahalaga para sa bawat lokal na pamahalaan saan man sa Pilipinas ang makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan, may pagkakaiba sa bilang ng PPAs sa bawat rehiyon: mas mataas ang bilang ng PPAs sa mga probinsya sa Gitnang Luzon, SOCCSKARGEN, at CAR, samantalang mababa ang bilang na ito sa Ilocos Region, Caraga, Hilagang Mindanao, at Kanluran at Silangang Visayas.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Baseline Study on the State of Devolution in the (Pre-Mandanas) Philippines