Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa pagpapadala ng healthcare workers sa mga remote areas sa bansa.
Sa loob lamang ng sampung taon, malaki ang itinaas ng bilang ng mga healthcare workers na ipinapadala ng pamahalaan sa mga liblib na lugar, sa ilalim ng Human Resource for Health Deployment Program (HRHDP) ng Department of Health.
Noong 2010, 500 na healthcare workers lamang ang na-deploy, kung saan may PHP 182 milyon na budget ang programa. Pagdating ng 2020, umakyat na ang bilang na ito sa 30,000 healthcare workers at PHP 17 bilyon na budget.
Kakaunti pa ang ebidensya na nagpapakita ng epekto ng HRHDP sa population health at iba pang health sector outcomes kaya't nararapat na pag-aralan at suriin kung naging epektibo ba ang programa.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Impact Evaluation of the Human Resource for Health Deployment Program (HRHDP)