Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa industriya ng paggagatas sa Pilipinas.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, mababa ang demand para sa mga produktong gatas na gawang Pinoy. Ito ay sa kadahilanang hindi nakasanayan ng mga Pinoy na uminom ng gatas. Maaari rin itong mai-ugnay sa kagustuhan ng mga Pilipino sa mga produktong imported, gaya ng gatas.
Upang mabigyang-solusyon ito, inirerekomenda ang pagbubuo ng strategic plans at development roadmaps tungo mas malawak at mas malalim na pamumuhunan sa industriya ng paggagatas; genetic improvement para sa mga baka at kalabaw; paggamit ng mga digital/online platform (para sa technology transfer at pagtataguyod ng produktong lokal); at pananaliksik at pagkuha ng mga datos na makakatulong sa paggawa ng angkop na mga polisiya sa pagpapayabong ng industriya ng paggagatas.
Basahin ang pag-aaral na pinamagatang “Domestic Benchmarking of the Philippine Livestock, Dairy, and Poultry Industries” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/document/pidsdps2219.pdf