#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na sa mga pangunahing subsector ng agrikultura, ang poultry subsector lamang ang nananatiling may patuloy na paglago simula noong 1990s?
Samantala, humina ang crops subsector noong 2010s, gayundin ang fisheries subsector dulot ng ilang dekada ng unsustainable na pangingisda at pagkasira ng mga aquatic habitats. Humina rin ang livestock subsector simula noong 2019 dahil sa mga sakit ng hayop, gaya ng African swine fever.
Alamin ang kalagayan ng agrikultura at pangingisda sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Modernizing Agriculture and Fisheries: Overview of Issues, Trends, and Policies” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/modernizing-agriculture-and-fisheries-overview-of-issues-trends-and-policies