Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa epekto ng African Swine Fever (ASF) sa Pilipinas.
Nabanggit sa isang pag-aaral ng PIDS na ang ASF outbreak noong 2019 ay nag-resulta sa 27 na porsyentong pagbaba ng produksyon ng baboy sa Pilipinas noong 2020, base sa datos mula sa Philippine Statistics Authority.
Mahalagang mabantayan at matutukan ang mga sakit ng mga hayop, lalo na’t may banta ng ASF. Bukod sa mga programa ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga biosecurity measures, inirerekomenda rin ang pag-uugnay ng mga polisiya at programa sa mga samahan ng mga magbababoy, upang mapangasiwaang mabuti ang pagpigil sa pagkalat ng mga sakit. Bukod dito, mahalaga ring bigyan ng insentibo ang mga sumusunod sa mga biosecurity measures at tamang pagtutok sa mga sakit, upang mahikayat ang iba pang magbababoy na gawin rin ito.
Basahin ang pag-aaral na pinamagatang “Domestic Benchmarking of the Philippine Livestock, Dairy, and Poultry Industries” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/document/pidsdps2219.pdf