Manila, Philippines – Isinusulong ngayon ni Senador Manuel “Lito” Lapid ang isang panukalang batas na lilikha ng Electronics Donation and Recycling Program” na aatasan ang lahat ng manufacturer at retailiers ng electronic gadgets na mag-setup ng donation at recycling booths sa kanilang sales outlets at service centers.
Sa pahayag, sinabi ni Lapid na layunin din ng Senate Bill No. 1846 na magkaroon ng pagproseso at pagtanggap ng electronic gadgets tulad ng at mobile phones na ipamimigay o ipaparecycle ng may-ari nito.
“With the launching of new models of phones, laptops, tablets and other electronic gadgets every year, it is expected that thousand if not millions of new gadgets flood the market on an annual basis. Users frequently dispose of their old gadgets for brand-new units, which in turn, contribute to the electronic waste problem in the country,” ayon kay Lapid.
Sa isinagawang pag-aaral ng mga engineers mula sa University of the Philippines, natuklasan na sa pagsapit ng 2021, aabot sa 24.9 milyong cellphones ang itatapon ng respondents sa pagsasabing nagpapalit sila ng gamit tuwing isa o ikalawang taon.
“Hindi natin masisisi ang ating mga kababayan kung gugustuhin nilang palitan ng bago ang kanilang mga gadget kahit hindi pa ito sira, lalo kung may pambili naman sila. Pero kung tutuusin ang mga lumang gadget gaya ng mobile phones at laptop, hindi naman kailangan itapon. Pwede pa itong ipamigay dahil marami pa ang pwedeng makinabang dito lalo sa panahong ito. Maraming mga estudyante at guro ang walang magamit na cellphone o computer habang nasa online classes tayo dahil sa pandemya, ayon kay Lapid.
Sinabi ni Lapid na nagsisilbing motibasyon ang panukala dahil marami ang nasasayang at itinatapon na gadget habang wala naman magamit ang mahihirap at low-income households.
Naniniwala si Lapid na matutugunan ang luma at used gadget ang pangangailangan ng mga pamilya at indibiduwal partikular sa pagbaling sa remote learning modalities para sa school year 2020-2021 sanhi ng pandemic.
Sa isinagawang pag-aaral nitong 2020 ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), natuklasan na umabot lamang sa 69% ng mahihirap na pamilya ang may mobile phone, at 1% at 6% ng mahihirap at low-income groups ang may computer.
Sa National Capital Region (NCR) lamang, aabot sa 648,405 public school students ang walang gadget, habang 13% ng ating guro ang walang laptops o computers base sa huling survey ng Department of Education (DepEd).
“Nag-aalala tayo na ang kawalan ng gadget kasama na ang problema sa internet sa bansa ay maaring maging dahilan para di na lamang tumuloy sa pag-aaral ang ating mga kabataan sa panahong ito ng pandemya kung saan pinatutupad ang distance learning. Maiibsan sana ang kawalang ito ng ating mga mag-aaral kung may magdodonate lamang ng kanilang lumang gadget na gumagana pa naman. Sa halip na itapon, sigurado akong mas gugustuhin ng ating mga kababayan na ibigay na lamang ang kanilang mga gadget na hindi naman na nila gagamitin,” ayon kay Lapid
Sa ilalim ng panukalang Electronics Donation and Recycling Program, magkakaroon ng donation at recycling booths nationwide na itatayo sa mga sales outlets, stores t service centers ng electronic gadgets. Ibibigay naman ang nakolektang gadget sa Department of Education para sa distribusiyon ng mahihirap na estudyante.
Ibibigay naman sa Department of Environment and Natural Resources –accreditedrecybling plant.ang nakolektang gadget para sa recycling.
“Dalawang mahalagang layunin ang magagampanan ng panukalang ito– protektahan ang ating kalikasan sa pamamagitan ng pagbawas sa pagtapon ng mga lumang electronic devices habang malaking tulong ang inaasahang matatanggap ng mga kapos-palad nating mga estudyante mula sa donasyong gadgets ng ating mga kababayang hangad ding makatulong sa panahong ito ng matinding pagsubok,” aniya.
Electronic Donation and Recycling Program ng gadgets, lilikhain ni Lapid