Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa pagkabansot ng mga kabataang Pilipino.
Isa ang Pilipinas sa may pinakamataas na stunting rates sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na nasa 29 porsyento noong 2019.
Dahil malaki ang epekto ng kalusugan at nutrisyon sa pagkatuto ng mga kabataan, mahalagang maihatid ang mga serbisyo na comprehensive, convergent, at continuous (3Cs). Susi rito ang malakas na implementasyon ng Universal Health Care Act.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Starting Strong: Why Early Childhood Care and Development Matters in the Philippines