Manila, Philippines – Hinimok ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tiyakin na magpapatuloy ang edukasyon ng learners with disabilities o mag-aaral na may kapansanan sa gitna ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) habang abala ang ahensiya sa paghahanda at pagpapatupad ng Learning Continuity Plan (LCP) sa school year 2020-2021.
Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na mahalagang tugunan ang pangangailangan ng mag-aaral na may kapansanan upang hindi sila mapilitang mag-drop out sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.
“Bago pa kasi dumating ang COVID-19 sa bansa, marami na ang bilang ng mag-aaral na may kapansanan na hindi pumapasok sa eskwela,” ayon sa senador.
Sinabi ng senador na sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong Disyembre 2017, ang mga kabataang Pilipinong may kapansanan ay hindi nakakapag-aral sanhi ng problemang pinansyal at kakulangan ng access nila sa Special Education o SPED centers. “Naitala rin ang kakulangan ng mga kwalipikadong guro para dito.”
Sa pagbubukas ng klase, kabilang sa mga gagamiting paraan ng pagtuturo ang online learning, radyo, telebisyon, at printed packets lalo na sa mga mag-aaral na walang gadgets o internet.
Ayon kay Gatchalian, dapat gamitin din ang mga ito sa paraang angkop sa mga mag-aaral na may kapansanan.
Ang mga printed packets, halimbawa, ay maaaring gawing braille o audiobooks para sa mga may visual impairment. Dapat ding magkaroon ng sign language interpreters para sa mga programa sa telebisyon, pahayag ni Gatchalian.
Sa ilalim ng Filipino Sign Language (FSL) Act o Republic Act 11106, kung saan si Gatchalian ang isa sa mga may akda, mandato sa pamahalaan, paaralan, at media ang paggamit ng FSL sa pakikipag-ugnayan sa mga bingi. Mandato rin ng naturang batas ang pagkakaroon ng FSL interpreter insets sa mga news and public affairs programs.
Hinimok din ng mambabatas ang DepEd na makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) upang matiyak na makatatanggap ng therapy o serbisyongpangkalusugan ang mga mag-aaral na may kapansanan.
Aniya, mahalaga ang papel ng mga health professionals, kabilang ang mga developmental pediatricians, sa pagbuo ng mga individualized education plan o IEP, kung saan naka-detalye ang sistema ng edukasyon sa isang mag-aaral na may kapansanan.
Idinagdag pa ni Gatchalian, dapat suportahan din ang mga guro at magulang ng mga mag-aaral na may kapansanan. “Kailangang maging handa ang mga guro para sa remote teaching habang dapat namang paghandaan ng mga magulang ang homeschooling.”
“Ang mga pagbabagong ito ay maaaring magdulot ng stress sa mga magulang at guro kung hindi lubos na mapapaghandaan,” ayon sa senador.
Ayon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), may higit limang (5.1) milyong bata sa Pilipinas ang may kapansanan. Ayon naman sa Learners Information System ng DepEd, mahigit dalawang daang libong (231,631) mag-aaral sa kanila ang naitala noong 2018 na nasa special classes o nakahiwalay sa isang regular na classroom.
Noong nakaraang taon, inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 171 o ang Inclusive Education for Children and Youth with Special Needs Act.
Layunin ng panukalang batas ang pagkakaroon ng Inclusive Education Learning Resource Centers sa lahat ng public school divisions upang linangin ang kakayahan ng mga paaralan sa inclusive education o isang sistema ng edukasyon kung saan ang isang mag-aaral ay tinatanggap sa isang regular na classroom kasama ng iba pang ka-edad niya.
Itinakda din sa naturang panukalang batas na iangat ang kaalaman tungkol sa mga kapansan.
“Sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19, lalong dapat nating tutukan ang mga mag-aaral na may kapansanan at siguruhing hindi sila maiiwan. Kailangang matiyak at maiparating natin sa mga naturang mag-aaral at kanilang magulang na mananatili silang ligtas sa pagpapatuloy ng kanilang edukasyon,” pagtatapos ni Gatchalian.