Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa implementasyon ng crisis and risk communication ng lokal na pamahalaan sa gitna ng pandemya.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS kung saan sinuri ang Facebook posts ng apat na siyudad sa Kamaynilaan (Pasay, Maynila, Caloocan, at Navotas) noong 2020 at 2021, hindi pa umabot sa 1 porsyento ng kanilang mga social media posts ang naglalayong itama ang mga maling impormasyon o fake news tungkol sa COVID-19.
Inirerekomenda ng pag-aaral na maging aktibo ang mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa disinformation at misinformation tungkol man sa COVID-19 o hindi. Dahil mas malapit ang mga lokal na pamahalaan sa kani-kanilang mga nasasakupan, mas may kakayanan silang tumugon sa lumalalang isyu ng misimpormasyon. Hinihikayat ng pag-aaral na kanilang ituwid ang mga maling impormasyon sa pamamagitan ng kanilang mga Facebook pages at mga LGU officials sa pamayanan. Makakatulong din ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapalaganap ng fact-checking mga paaralan at opisina na kanilang nasasakupan.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Implementing Crisis and Risk Communication in a Pandemic: Insights from LGUs’ COVID-19 Experience” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/implementing-crisis-and-risk-communication-in-a-pandemic-insights-from-lgus-covid-19-experience