MANILA, Philippines – Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang isama sa mabibigyan ng ayuda ngayong panahon ng krisis ang mga manggagawang kabilang sa tinatawag na middle income families o middle class.
Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), pinag-aaralan na ng pamahalaan kung pagbibigyan ang naturang panukala at kung saan maaaring makakuha ng pondo para dito.
Sino-sino nga ba ang kabilang sa middle class?
Ayon sa policy notes ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong 2018, maituturing na kabilang sa middle class ang pamilyang kumikita o sumusweldo ng mas malaki o 12 beses na higit sa poverty line.
“The middle class or middle income constitutes families (or persons belonging to families) that have income between 2 and 12 times the poverty line,” lathala ng PIDS.
Batay sa datos ng Family Income and Expenditure Survey ng Philippine Statistics Authority mula sa taong 2015 hanggang 2017, tatlong klasipikasyon ang maituturing na kabilang sa middle-class: ang lower middle-income class; ang middle middle-income class; at ang upper middle-income class.
Ang bawat klasipikasyon ay nagbabatay sa halaga ng buwanang kita ng bawat isang pamilya.
• Lower middle-income class – P19,000 hanggang P38,000
• Middle middle-income class – P38,080 hanggang P66,640
• Upper middle-income class – P66,640 hanggang P114,240
Kung tatayahin, maituturing na kabilang sa middle-income class ang isang pamilya na may limang miembro at may buwanang kita na nasa P20,000 hanggang 115,000.
Noong taong 2015, mahigit 40% ng kabuuang populasyon ng bansa ay itinuturing na middle-income class at karamihan ay nakatira sa urban areas particular sa National Capital Region (NCR), Central Luzon at Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON) region.
Mahigit 70% sa mga ito ang maibibilang sa middle-income household o nakitira sa sariling bahay; 23% naman ang nangungupahan lang at 2% ang informal settler.
Kung edad ang pag-uusapan, aabot sa 50% ng mga manggagawang kabilang sa middle-class ay edad 24 pataas at mga nakatapos ng pag-aaral sa high school.
Kung trabaho naman ang pagbabatayan, 26% ng middle-income workers ay nasa sector ng wholesale at retail trade gaya ng nagtitinda ng gulay o may-ari ng sari-sari store.
Kasunod ay ang mga kabilang sa sektor ng komunikasyon at transportasyon gaya ng tricycle at jeepney driver habang pinakamaliit na bilang ang namamasukan sa gobyerno gaya ng clerk o public school teachers.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), maraming Pilipino ang naghahangad na makapamuhay ng masagana sa isang middle-class society kung saan wala nang maituturing na mahirap pagsapit ng taong 2040.
Pero kung ang mga eksperto ang tatanungin, gaano pa katagal ang hihintayin bago makaangat ang isang low-income household at mapabilang sa middle-income class?
Ayon sa pag-aaral ng PIDS, aabot ng 36 taon bago ang isang mahirap na pamilya o ‘poor’ household ay mapabilang sa mga middle-class family.
Isang rekomendasyon ng pag-aaral ay repasuhin ng pamahalaan ang Social Protection Policies nito at pagtuunan ng pansin ang posibilidad na ang nasa middle-class ay mahulog naman sa kahirapan sa hinaharap.