#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na 9.9 na porsyento lamang ng kabuuang bilang ng mga kooperatibang pang-agrikultura sa bansa ang kabilang sa medium-sized category?
Ayon sa Cooperative Development Authority (CDA), maituturing ang isang agricoop na medium-sized kung ang kabuuang assets nito ay nasa PHP 15,000,001 hanggang PHP 100 milyon.
Ibig sabihin, karamihan ng mga agricoop ay maituturing na “financially weak” at mayroon lamang kakaunting miyembro.
Alamin ang lagay ng mga samahan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “How Much Has People Empowerment Progressed among Small Farmers and Fisherfolk? State of People's Organizations in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/how-much-has-people-empowerment-progressed-among-small-farmers-and-fisherfolk-state-of-people-s-organizations-in-the-philippines