Ang RCEP ay isang kasunduan ng malayang kalakalan sa pagitan ng mga bansang kasapi nito. May 15 bansang kasapi sa RCEP--lahat ng mga miyembro ng ASEAN, ang ASEAN Plus Three (mga bansa sa Silangang Asya na may pormal na economic cooperation sa ASEAN), at malalaking bansa sa Oceania.
 
Malaki ang pakinabang ng ating bansa sa RCEP dahil ito'y isang malaking merkado para sa ating mga magsasaka at mangingisda. Ito rin ay malaking pinagkukunan ng ating mga mamamayan ng pagkain at iba pang produktong agrikultural.
 
Sa RCEP, walang bagong ipinangako ang Pilipinas patungkol sa pag-aangkat ng mga produktong pang-­agrikultura tulad ng bigas, mais, palm oil, karneng baboy, manok, at iba't-ibang gulay.
 
Ang mga bagong ipinangako ng Pilipinas na pagbaba ng buwis sa pag-angkat (import duty) ay limitado lamang sa mga sumusunod na bansa: Australia at New Zealand (9 na uri ng produkto), China (8 uri), at Korea (23 uri).
Hindi titindi ang pag-aangkat ng Pilipinas sa ilalim ng RCEP.
 
Kaya walang dapat ipangamba ang mga magsasaka sa pagpasok ng mga dayuhang produkto.
 
Pagdating naman sa pagluluwas (exportation) ng mga produktong pang-agrikultura, may mga karagdagang probisyon sa RCEP na nagluluwag sa merkado ng mga kasaping bansa para sa iniluluwas ng Pilipinas.
 
Samakatuwid, ang pagsali ng Pilipinas sa RCEP ay magreresulta sa pagluwag ng kalakalan ng mga produktong pang-agrikultura sa merkado.
 
Makikinabang din ang mga mamimili kung hahayaan ang pag-aangkat ng mga produkto galing sa mga bansang kasapi ng RCEP, sapagkat mas masisigurado na mayroong sapat na pagmumulan ng pagkain.
 
Sa pagiging bukas ng Pilipinas sa kalakalan, mas malaya ring makakapasok ang puhunan at negosyo mula sa mga bansang kabilang sa RCEP. Ito ay malaking pakinabang para sa ating magsasaka, manggagawa, at negosyante,
maliit man o malaki.
 
Basahin ang infographic para sa mga detalye at karagdagang impormasyon.

Main Menu

Secondary Menu