Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Educaton na siguruhin ang patuloy na edukasyon ng mga ‘learners with disabilities’ o mga mag-aaral na may kapansanan.
Sabi ng senador, importanteng tugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na ito upang hindi sila mapilitang mag-drop out sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.
Bago pa dumating ang COVID-19 sa bansa, ayon kay Gatchalian, marami na ang bilang ng mag-aaral na may kapansanan na hindi pumapasok sa eskwela.
Sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS noong Disyembre 2017, ang mga kabataang Pilipinong may kapansanan ay hindi nakakapag-aral dahil sa mga problemang pinansyal at kakulangan ng access nila sa Special Education o SPED centers.
Sa pagbubukas ng klase, kabilang sa mga gagamiting paraan ng pagtuturo ang online learning, radyo, telebisyon, at mga printed packets lalo na sa mga mag-aaral na walang gadgets o internet.
“Dapat gamitin din ang mga ito sa paraang angkop sa mga mag-aaral na may kapansanan,” ani Gatchalian.
Sabi ng senador, ang mga printed packets, halimbawa, ay maaaring gawing braille o audiobooks para sa mga may visual impairment. Dapat ding magkaroon ng sign language interpreters para sa mga programa sa telebisyon.
Sa ilalim ng Filipino Sign Language (FSL) Act o Republic Act 11106, kung saan si Gatchalian ang isa sa mga may akda, mandato sa pamahalaan, mga paaralan, at media ang paggamit ng FSL sa pakikipag-ugnayan sa mga bingi.
Mandato rin ng naturang batas ang pagkakaroon ng FSL interpreter insets sa mga news and public affairs programs.
Hinikayat din Gatchalian ang DepEd na makipag-ugnayan sa mga local government units o LGUs upang masigurong ang mga mag-aaral na may kapansanan ay nakatatanggap ng mga therapy at serbisyong pangkalusugan.