Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa sapat na oras na pagtuturo ng mga guro.
Ayon sa Magna Carta for Public School Teachers, dapat 6 oras lang sa pagtuturo at 2 oras sa kaugnay na gawain ang iginugugol nila mam, sir, at mx! Ngunit sa katotohanan, higit pa sa 8 oras ang pagtratrabaho ng public school teachers dahil sa dami ng papeles at iba pang gawain na hindi kaugnay ng pagtuturo.
Inirerekomenda sa pag-aaral ng PIDS na bigyan ang mga guro ng pagkakataon na magtuon sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagtanggal ng
mg administrative tasks. Mahalaga rin na punan ang mga puwesto sa paaralan upang mabawasan ang trabaho ng mga guro.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang mga buong lathalain: Pressures on public school teachers and implications on quality at Embracing challenges, envisioning solutions: Advancing teacher education and development in the Philippines
Panoorin ang video rito.