Naniniwala si Senador Francis ‘Tol’ N. Tolentino na ang pagtatayo ng pharmaceutical manufacturing zones sa ilalim ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ay hindi lang para magkaroon ng access sa murang gamot ang mga Pinoy kundi makakatulong din ito para mapatatag ang nasirang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pandemya.
Ayon kay Tolentino, ang tinatawag na ‘Pharma Zone’ ay may short at long term goal dahil bukod sa magkakaroon ng murang gamot na gawang local, magdadala din ito ng maraming investment at trabaho para sa bansa.
Bagama’t limitado ang ibinibigay na serbisyong pangkalusugan, ang Pilipinas ay nananatiling isa mga pinakamalaking pharmaceutical market sa Southeast Asia, sa likod ng Indonesia at Thailand, batay sap ag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS).
Sa kasalukuyan, mahigit 55 bakuna laban sa tigdas, pneumonia, diarrhea at rubella ang available sa local market.
Noong Disyembre, naghain si Tolentino ng Senate Resolution No. 508 na humihikayat sa PEZA at sa Board of Investment na pabilisin ang pagtatayo ng pharmaceutical manufacturing zones at hikayating palakasin ang paglago ng medical industry sa bansa.
Sabi ni Tolentino, kikita ang local na pharmaceutical market ng tinatayang P241.9 bilyon sa 2025 kasunod na implementasyon ng Universal Health Act batay sap ag-aaral ng England-based GlobalData London.
Ayon sa senador, dapat samantalahin ng pamahalaan ang kasalukuyang sitwasyon sa gitna ng pandemya dahil maaring umakyat sa 4.5 porsiyento ang Gross Domestic Product (GDP) kung magkakaroon ng Pharma Zones sa Pilipinas.
Ang First Bulacan Industrial City, na itinatag noong 1991 at tinaguriang “Pharma City of the Northy”, ay lugar ng mga maraming Negosyo tulad ng Lloyd Laboratories, Lumar Pharmaceutical, Pascual Laboratory, Cosmetique Asia, Cargill Philippines, Northfields Laboratories, Transcend, at Medi-RX Laboratories.
Ang Phase II expansion ng Bulacan Industrial City ay naghihintay na lang ng go-signal mula sa Malacañang.
Ang local pharma industry ay taunang kitang P146 bilyon at nakapaglikha ng trabaho para sa 60,000 Pinoy.