Para mapagaan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa mga Pinoy at mapigilan ang lalo pang kahirapan, nangako si Senate Minority Leader Franklin Drilon na isusulong nila na magkaroon ng pondo para sa ayuda sa panukalang P4.5-trilyong national budget para sa taong 2021.
“Ang kailangan ngayon ay tulong – walang pagkain, walang trabaho. Mas dumami ang pamilya na mas mahirap ngayon dahilan sa pandemic. We should therefore continue the SAP,” pahayag ni Drilon sa panayam sa dwIZ noong Sabado.
Ang tinutukoy ng senador ay ang financial aid o social amelioration program (SAP) na binibigay sa mahigit 18 milyong mahirap na pamilyang Pinoy na labis na naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Para kay Drilon, ang cash aid na P5,000 hanggang P8,000 sa mahihirap na pamilya n naapektuhan ng pandemya ay dapat magpatuloy pa sa susunod na taon.
“The way I see it, the proposed 2021 budget basically leaves the poor to fend for themselves. If we do not increase the allocation for the social services sector, then poverty could be even worse next year,” sabi ni Drilon sa isang statement.
“We will be wasting away years of strategies to end poverty. We were winning the war against poverty before the pandemic. We can still win it by providing more meaningful assistance to the poor,” dagdag nito.
Nauna nang inihayag ng government think tank na Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na maari pang masadlak sa kahirapan ang may 5.5 milyong Pinoy kung walang ibibigay na economic aid ang gobyerno para sa kanila.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi naman ni acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na lalong lalala ang kahirapan sa susunod na taon partikular sa urban areas.
Sa latest SWS survey, tinatayang 5 milyong pamilya ang nakakaranas ng gutom.
“We must provide funding for SAP in the 2021 national budget to combat the worsening poverty. There are items in the budget that we can tap to provide the much-needed cash subsidies to the poor,” diin ni Drilon.
Ginawa ni Drilon ang panawagan kasunod nang pagkadiskubre ng P469 bilyong halaga ng lump-sum appropriation sa National Expenditure Program (NEP) na inilagaka sa iba’t ibang infrastructure project ng ilang mga kongresista.
Ayon sa minority leader, ang lump-sum appropriations ay kinukonsiderang unconstitutional alisnundo sa desisyon ng Korte Suprema sa pork barrel case.
Sabi pa ni Drilon, ang social service sector ang dapat tumanggap na mas malaking pondo kesa infrastructure sa opanahon ng pandemya.
Bagama’t may pakinabang ang imprastraktura para sa pagbangon ng ekonomiya, mas kailangan aniya ng tao ang pagkain at kabuhaya.
“What we need is direct and immediate government assistance through the SAP. Ang sabi nga aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo,” sabi ni Drilon.