#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na 51 porsyento lang ng mga pampublikong ospital sa Pilipinas noong 2021 ang nakasunod sa itinakdang gastusin para sa pagkain ng bawat pasyente?
Ilan sa mga dahilang napag-alaman sa isang pag-aaral ng PIDS ay ang kawalan ng sapat na budget para sa nutrition and dietetics service (NDS) at ang mataas na presyo ng mga bilihin sa kanilang lugar.
Ayon sa administrative order ng Department of Health, ang daily meal allowance budget para sa bawat pasyente ay hindi dapat bababa sa PHP 150 upang matugunan ang kanilang dietary requirements.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: An Assessment of the Quality of Inpatient Meals and Nutrition and Dietetics Processes in Select Public Hospitals in the Philippines