Hinimok ni Leyte Representative Lucy Torres Gomez na palawigin pa ang emergency subsidy program ng pamahalaan at maisama ang mga “newly poor”.
Ang mga newly poor ay iyong mga nasa low income at lower middle income sector na nawalan o naapektuhan ang trabaho bunsod ng ipinatupad na Enhance Community Quarantine.
Bukod dito, dapat ay per family at hindi na per household ang pagpapa abot ng ayuda.
Batay sa 2018 Profile and Determination of Middle-Income Class in the Philippines Report ng Philippine Institute of Development Studies, nasa 5.4-million families ang maituturing na traditional poor. Sila ang mga kumikita kada buwan ng P9,520 o mas mababa pa, 9-million ang nasa low income at 6.4-million naman ang nasa lower middle income.
Ibig sabihin aniya, mula sa inisyal na target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 18-million households ay dapat nang palawigin sa 20-million families ang Social Amelioration Program.
Muli ring ipinanawagan ni Torres-Gomez na luwagan ang qualification at proseso ng pagpapaabot ng SAP para sa “newly poor” sector.
Samantala, nanawagan si Senior Citizen Partylist Representative Francisco Datol Jr. sa mga lokal na pamahalaan na idaan na lang sa mga remittance centers o ipadala sa courier service ang ayuda para sa mga senior citizens.
Aniya, maraming senior citizen ang nahihirapan na makuha ang financial aid dahil may mga LGU na sa kanilang opisina ibinibigay ang ayuda.
Suhestyon niya dapat ay ipa-deliver na ito ng diretso sa tirahan sa pamamagitan ng mga remittance outlets at registered door-to-door delivery services.
Dapat rin aniyang madaliin ang pagpapalabas ng ayuda para sa mga senior citizen sa Narional Capital Region (NCR). Naririto aniya kasi ang karamihan sa mga senior citizen at kasalukuyan ring nasa ilalim pa ECQ at siyang sentro ng COVID-19 cases.