Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin ang kawalan ng alokasyon sa special amelioration program (SAP) para sa 2021.
Ayon kay Drilon, dapat pasiglahin ang ‘demand side’ ng ekonomiya sa pamamagitan ng paglaan ng tulong sa mga tao sa pamamagitan ng SAP.
Subalit nagpahayag ng pagkadismaya ang mambabatas sa pondo ng DSWD sa susunod na taon kung saan walang inilaan para sa emergency subsidy program.
Binanggit pa ni Drilon ang ginawang pag-aaral ang Philippine Institute for Development Studies (PIDS) kung saan inaasahang aabot sa 1.5 milyong Pinoy ang lalong masasadlak sa kahirapan.
At kung maapektuhan ang kita ng mga mangagawa ng 10%, posibleng umabot ito sa 5.5 milyon.