#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na sa first 1,000 days pa lamang, makikita na ang pagkakalayo ng stunting rates sa mga mahihirap at maykayang pamilya, partikular mula sa kanilang ika-6 hanggang ika-24 buwan?
Kung titingnan naman ang stunting rates ayon sa rehiyon, makikita sa National Capital Region (NCR) ang 20-percentage points na pagkakalayo ng stunting rates ng mga batang mula sa magkabilang dulo ng socioeconomic levels, bagamat highly urbanized na ang NCR.
Samantala, mas malala ang stunting rate ng mga pinakamahihirap na bata sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kaysa sa ibang mga bansa na kilala nang may mataas na stunting rate.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Starting Strong: Why Early Childhood Care and Development Matters in the Philippines