#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na noong 2020, 90 porsyento ng mga nakapagtapos ng technical and vocational education and training (TVET) ang nakakuha ng trabaho sa kanilang mga lokalidad?
Mas mataas ang bilang na ito kaysa noong 2013, kung saan mas mababa sa 80 porsyento ang nakahanap ng trabaho sa kanilang mga probinsya.
Naaayon ito sa resulta ng isang survey ng Jobstreet.com Philippines noong 2016 na nagsasabing tatlo sa kada apat na Pilipino ang mas gustong magtrabaho sa kanilang mga hometown o lokalidad. Ilan sa mga dahilang nabanggit ay kanilang pamilya, working environment, at work-life balance.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Responding to the Changing Needs of the Labor Market: Overview of the Country’s TVET