Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa labor force ng Pilipinas.
 
Ayon sa Philippine Statistics Authority, simula noong 1998, patuloy na lumaki ang agwat ng dami ng mga manggagawang kabilang sa services sector at ng mga nasa agricultural sector.
 
Bagamat nangunguna sa dami ng manggagawa ang sektor ng agrikultura noong 1980s hanggang sa simula ng 1990s, unti-unti itong bumaba. Sa kasalukuyan, ito ay nahigitan na ng bilang ng mga nasa services sector ng halos 2 milyong manggagawa.
 
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Greening the Philippine Employment Projections Model: New Estimates and Policy Options
Main Menu

Secondary Menu