#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na isa lamang sa kada limang babae edad 15 hanggang 24 ang may sapat na kaalaman tungkol sa human immunodeficiency virus o HIV?
Bagamat tumaas sa 25% ang bilang ng mga kababaihang may sapat na kaalaman ukol sa HIV noong 2017 (mula sa 14% noong 2003), mahalaga pa ring matutukan ang edukasyon tungkol sa HIV at iba pang sexually transmitted infections (STIs) dahil mas lantad ang mga kabataan sa mga kaswal na relasyon at risky behavior.
Alamin ang kalagayan ng edukasyon ukol sa reproductive health sa bansa sa isang pag-aaral na pinamagatang “Process Evaluation of Selected Programs of the Department of Health (DOH): RPRH Education and Communication” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidsdps2112.pdf