#PIDSInfoBits: Alam mo ba na karamihan sa mga online workers ay hindi nakakatanggap ng social benefits?
Dahil ang mga online workers ay maituturing na kontraktuwal o self-employed, hindi sila kabilang sa mga nakakatanggap ng mga benepisyong panlipunan. Base sa survey ng International Labor Organization noong 2015, 60 na porsyento lamang ang may health insurance, samantalang 35 na porsyento lamang ang may pension plan.
Marami rin sa kanila ay hindi nagbibigay ng kontribusyon sa social security funds at walang health insurance. Ang kawalan ng social protection ang isa sa malaking hamon na kinakaharap ng mga online workers.
Alamin ang lagay ng mga online workers sa Pilipinas sa pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Online Work in the Philippines: Some Lessons in the Asian Context” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidsdps2029.pdf