Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa public health spending ng pamahalaan.
Malaki ang itinaas ng public health spending sa Pilipinas. Mula sa 36.4 na porsyento ng kabuuang health spending sa bansa noong 2014, umakyat ito sa 45.7 na porsyento noong 2019.
Malaking dahilan sa pagtaas ng budget ng health sector ang pondong nalilikom dahil sa Sin Tax Law, na siyang inilalaan sa ilang mahahalagang programa, gaya ng Health Facilities Enhancement Program at PhilHealth premium subsidy.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Public Health and Labor Policy” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/public-health-and-labor-policy