Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kaugnayan ng mga sektor ng kalusugan at paggawa.
Napag-alaman sa isang pag-aaral ng PIDS na magkaugnay ang pagtaas ng public health spending sa pagtaas ng labor productivity.* Sa lahat ng rehiyon, National Capital Region o Metro Manila ang nangunguna pagdating sa paggastos ng pamahalaan para sa pampublikong kalusugan.
Dahil dito, inirerekomenda sa nasabing pag-aaral na paigtingin ang pagbibigay ng budget sa sektor ng kalusugan. Kaugnay nito, dapat ring maging wais ang pamahalaan sa paggastos ng allocated budget, gaya ng pag-i-invest sa primary at preventive care. Ang istratehiyang ito ay hindi lamang makakabawas sa mga taong nagkakasakit; mas magiging produktibo rin ang mga manggagawa dahil sila ay malusog.
*Base sa pinagsama-samang datos mula sa Bureau of Local Government Finance, Budget of Expenditures and Sources of Financing, at Philippine Statistics Authority mula 2010 hanggang 2020.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Public Health and Labor Policy” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/public-health-and-labor-policy