Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa katayuan ng financial technology o FinTech sa Pilipinas.
Ayon sa 2018 ASEAN FinTech Census, mayroon lamang 115 na FinTech companies sa Pilipinas noong 2017. Bagamat pangalawa sa huli ang bilang na to sa mga bansa sa ASEAN, pangalawa naman ang Pilipinas sa may pinakamataas na investments, dahil sa 78 milyong US dollars na halaga ng FinTech investments noong 2017.
Upang mas lumakas ang FinTech sa bansa, inirerekomenda sa isang pag-aaral ng PIDS na lumikha ng mga polisiyang tututok sa regulasyon at pagpapaunlad ng financial technology sector.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Analysis of the FinTech Landscape in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/analysis-of-the-fintech-landscape-in-the-philippines