Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayon linggo, ukol sa human capital ng Pilipinas.
Ayon sa World Bank (2016), kumpara sa mga bansang kabilang sa ASEAN+3*, nahuhuli ang Pilipinas pagdating sa mga pamantayan ng maigting na human capital.
Kabilang sa mga ito ang average na tagal ng pag-aaral, gross enrollment ratio, life expectancy, at mortality rate ng mga sanggol. Malaki ang kaugnayan ng mga ito sa kakulangan ng mga resources at mababang income ng bansa.
Ang human capital ay ang kaalaman, kasanayan, at kalusugan na naiipon ng mga tao sa kabuuan ng kanilang buhay, na mahalaga upang makamit ang kanilang buong potensyal.
*Binubuo ng mga miyembrong bansa ng ASEAN kasama ang China, Japan, at South Korea.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Greening the Philippine Employment Projections Model: New Estimates and Policy Options