Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa bilang ng mga mag-aaral na nakatatapos ng elementarya at sekondarya.
Sa nagdaang tatlo dekada, tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na nakatatapos ng elementarya at sekondarya.
Noong 1990s, 70 porsyento lamang ng mga Grade 1 na mag-aaral ang inasahang makatatapos ng elementarya, samantalang 76 porsyento naman ang bilang na ito para sa mga nasa sekondarya. Tumaas ang mga bilang na ito noong 2020; 97 porsyento para sa mga elementary students at 87 porsyento para sa mga junior high school students.
Bagaman at tumataas ang bilang ng mga nagsisipagtapos, ang mga suliranin sa pag-da-drop out ng mga mag-aaral ay dapat pa ring pag-tuunan ng pansin.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Basic Education: Quality is the ‘Now’ Frontier