Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kalagayan ng road and rail transport infrastructure sa Pilipinas.
Ayon sa datos ng World Economic Forum (2019), nahuhuli ang Pilipinas sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya pagdating sa competitiveness ng imprastrakturang pang-transportasyon. Ang Pilipinas ay ika-102 sa 141 na bansa sa ranking.
Upang mapabuti ang competitiveness ng ating mga transport infrastructure, inirerekomenda sa isang pag-aaral ng PIDS ang malawakan at pang-matagalan na pagpaplano para matugunan ang mga pabalik-balik na problema. Mahalaga rin ang masusing auditing at pag-kukumpara ng performance sa ibang bansa.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Road and Rail Transport Infrastructure in the Philippines: Current State, Issues, and Challenges” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/road-and-rail-transport-infrastructure-in-the-philippines-current-state-issues-and-challenges