Hindi epektibo at nakasisira sa pag-aaral ng Ingles.

Ito ang posisyon ng Cordillera Advocates for Real Education sa kung bakit nila ipinananawagang i-abolish at ihinto na ang pagmamandato ng pagtuturo ng Mother-Tongue Based, Multi-Lingual Education.

Sa isang position paper na kanilang isinumite sa House Committee on Basic Education and Culture, sinipi ng grupo ang resulta ng pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies hinggil sa MTB-MLE.

Nakasaad dito na ang mga pribadong paaralan ay nananatili pa ring gumagamit ng ‘bilinggual policy’ at ito’y nakabubuti sa kanilang mga mag-aaral para patuloy na sumikhay sa larangan ng Ingles at makapag-uwi ng mga medalya buhat sa iba’t ibang patimpalak tungkol sa banyagang wika.

Dahil umano sa mga katotohanang ito kung bakit hindi sinusunod ng mga pribadong paaralan ang paggamit ng bernakular na wika sa pagtuturo mula Grade 1 hanggang 3.

Kung ipagpipilitan ng DepEd at ng mga naniniwala sa MTB-MLE na kailangan ito ng mga mag- aaral, dapat umano silang magpakita ng patunay na tataas nga ang literacy rate kung gagamitin ang pambansa at rehiyonal na mga wika.

“It is in the clash of their best products that the superior system is determined and clearly, in imparting English, the Bilingual Education Policy  clipses the MTB-MLE. The question believers in MTB-MLE should answer is if the private schools would be able to maintain their edge in English proficiency over public schools if the government makes the implementation of the Mother Tongue policy mandatory,” ayon sa CARE.

Sinabi pa ng grupo sa  Department of Education na kung susuriin ang datos ay hindi naman bumaba ang illiteracy rate sa bansa nang magkaroon ng MTB-MLE – ibig sabihin ay hindi nito nagagampanan ang inaasahang tulong sa mga mag-aaral.

“If the DepEd disagrees with our conclusion that the number of non-readers in elementary and high school escalated after the introduction of the K to 12 curriculum and the MTB-MLE, we ask them to produce proofs that there was a time in our history before SY 2012-2013 that there were more illiterates in public schools than now,” pahayag ng grupo.

Ang parehong position paper ay isinumite rin sa Senate Basic Education Committee.

Gayundin, sinusuportahan nito ang kahahain lamang na panukala ni Baguio City Representative Marquez Go na magtatanggal sa MTB-MLE sa kasalukuyang K-12 curriculum.



Main Menu

Secondary Menu