Iminumungkahi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee ang pag-amyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) law, para gawing yearly ang pagre-review sa batas upang makaayon ito sa inflation rate ng bansa.

Ani Lee, sa halip na kadaanim na taon, ay gawing annual na ang pag-review ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) upang maging epektibo at naaayon ito sa pangangailangan ng mga benepisyaryo.

Binigyang-diin nito na kada-taon ay maaaring mas bumigat ang pansanin ng mga Pilipino nang dahil sa inflation, o yung pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Sa huli, ipinaliwanag ng mambabatas na ang pagkuha ng annual recommendation mula sa PIDS ay makatutulong sa Kamara na ma-incorporate ang pag-allocate ng pondo para sa 4Ps sa proposed budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa budget deliberations.



Main Menu

Secondary Menu