Senator Win Gatchalian is urging the next administration to address stunting among Filipino children, which has long-term consequences on their growth and development.

Gatchalian made this call as the outgoing Duterte administration seeks a $178.1 million loan from the World Bank to address Filipino children's stunted growth. The loan will fund a proposed multi-sectoral project that will be led by the Department of Health (DOH) and the Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Citing the World Health Organization (WHO) and UNICEF, Gatchalian emphasized that stunting affects the cognitive development of children which can be seen in their performance at school. The lawmaker recalled that nine out of 10 Filipino children aged 10 cannot read or understand a simple story. This translates to learning poverty of 90.5%

According to a 2021 World Bank (WB) report entitled Undernutrition in the Philippines: Scale, Scope, and Opportunities for Nutrition Policy and Programming, around 30 percent of children in the Philippines under the age of five are stunted or being too short for one's age.

For Gatchalian, the incoming administration should ensure the effective implementation of Republic Act No. 11148 or the Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act, also known as the First 1,000 Days Law. The law, which Gatchalian co-authored, seeks to scale up nutrition interventions in the first 1,000 days of a child's life.

Stunted growth accompanies severe irreversible physical and cognitive damage. WHO pointed out that stunting is an irreversible outcome of inadequate nutrition and repeated bouts of infection during the first 1,000 days of a child's life.

"Mahalagang tutukan natin ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata mula sa panahong ipinagbubuntis sila, lalo na't malaki ang epekto nito sa kanilang kakayahang matuto. Kailangang tiyakin natin na may sapat na partisipasyon at kakayahan ang ating mga komunidad, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, upang pangalagaan ang kalusugan ng kabataang Pilipino," said Gatchalian.

In 2018, the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) recommended interventions such as additional investments in local data for decision-making, effective mechanisms for identifying potential clients, improved systems for monitoring and evaluation, and timely technical assistance from national agencies and development partners.

Gatchalian: 'Stunting' sa mga batang Pinoy dapat tutukan ng susunod na administrasyon

Hinihimok ni Senador Win Gatchalian ang susunod na administrasyon na tutukan ang problema ng mga kabataang Pilipino pagdating sa stunting o ang hindi paglaki ng isang bata ayon sa kanyang edad, lalo na't may matagal na pinsalang idinudulot ito sa kanilang paglaki.

Kamakailan lang ay nagsumite ang Duterte administration ng aplikasyon para sa isang World Bank loan na nagkakahalaga ng 178.1 milyong dolyar. Ang naturang loan ay gagamitin upang tugunan ang stunting sa mga kabataang Pilipino. Ang panukalang proyekto ay pangungunahan ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Binigyang diin ni Gatchalian ang pangmatagalang pinsalang dulot ng stunting sa kakayahan ng mga kabataang matuto, bagay na nakakaapekto sa kanilang performance sa paaralan. Binalikan ni Gatchalian ang sinabi ng World Bank (WB) noon na ang learning poverty sa bansa ay kasalukuyang nasa 90.5 porsyento. Katumbas nito ang siyam sa sampung batang may edad na sampu na hindi marunong bumasa o umintindi ng simpleng kwento.

Ayon sa ulat ng WB na pinamagatang "Undernutrition in the Philippines: Scale, Scope, and Opportunities for Nutrition Policy and Programming," may 30 porsyento sa mga batang Pilipino na mas bata sa limang taong gulang ay maituturing na stunted o maliit para sa kanilang edad.

Para kay Gatchalian, dapat tiyakin ng susunod na administrasyon ang epektibong pagpapatupad ng Republic Act No. 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act na kilala rin bilang First 1,000 Days Law. Layon ng batas na tutukan ang pangangailangang pang-nutrisyon ng mga sanggol sa unang isang libong (1,000) araw ng kanilang buhay. Si Gatchalian ay co-author ng naturang batas.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang stunting ay epekto ng kakulangan sa nutrisyon at paulit-ulit na pagkakasakit o impeksyon sa unang isang libong araw ng buhay ng bata.

"Mahalagang tutukan natin ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata mula sa panahong ipinagbubuntis sila, lalo na't malaki ang epekto nito sa kanilang kakayahang matuto. Kailangang tiyakin natin na may sapat na partisipasyon at kakayahan ang ating mga komunidad, kabilang ang mga lokal na pamahalaan, upang pangalagaan ang kalusugan ng kabataang Pilipino," ani Gatchalian.

Noong 2018, inirekomenda ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) ang mga hakbang tulad ng dagdag investment sa pagkalap ng datos, pagtukoy sa mga benepisyaryo ng programa, pinaigting na sistema ng monitoring at evaluation, at agarang technical assistance mula sa national government at development partners.



Main Menu

Secondary Menu