Humiling ang Department of Social Welfare and development (DSWD) sa Kongreso para pondohan ang kanilang planong taasan pa ang cash grant para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) program.

Ito ang naging tugon ni House Committee on Appropriations vice chairperson Jocy Limkaichong ng Dumaguete nang matanong ni Agri-party list Rep. Wilbert Lee ang mambabatas kung plano ng DSWD na taasan ang cash grant para sa 4Ps beneficiaries sa naging deliberasyon ng panukalang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay Lee, base sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), ang maximum na halagang natatanggap ng 4Ps household na P31,200 sa isang taon noong 2019 ay natapyasan sa P14,524 dahil sa lockdowns dala ng covid-19 pandemic at tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kayat rekomendasyon ng PIDS ay taasan ang 4Ps cash grant ng 20%.

Tugon naman ni Vice chair Limkaichong na pumayag sila sa panukalang taasan ang cash grant dahil sa inflation, epekto ng pandemiya na nagresulta sa mas mataas na cost of living o pamumuhay.

Kung kayat umaasa aniya ang DSWD na maglalaan ang Kongreso ng special provision sa panukalang pambansang pondo para sa 2024 upang mataasan ang cash grant sa ilalim ng unprogrammed fund.

 



Main Menu

Secondary Menu