MANILA, Philippines — Suportado ng ilang ahensiya ng gobyerno ang mga mungkahi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan kung paano matutulungan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) na naapektuhan ng pandemya para muling sumigla ang ekonomiya ng bansa.
Bago rito, inilatag ni Sen. Pangilinan sa isang privilege speech ang ilang hakbang para tulungan ang sektor ng MSMEs, gaya ng “go lokal, buy lokal” program at pagpapadali ng proseso sa pagbibigay ng pautang sa MSMEs upang muling mapalakas ang mga maliliit na negosyo sa bansa.
Binigyang diin ni Pangilinan na mahalagang mabigyan ng agarang tulong ang sektor, bilang matibay na bahagi ng ekonomiya ng bansa at pinagmumulan ng maraming trabaho ng mga Pilipino.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, kinatigan ni Dr. Francis Mark Quimba, research fellow ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na malaki ang maitutulong ng “go lokal, buy lokal” na isinusulong ni Sen. Pangilinan upang matulungan ang sektor ng MSMEs.
Aniya, malaki ang papel ng Department of Trade and Industry (DTI) para mapalawak ang maaabot ng MSMEs pagdating sa digital selling platforms na patok ngayong panahon ng pandemya.
Mungkahing ayuda ni Sen. Kiko sa maliliit na negosyo, suportado ng gobyerno
Related Posts
Publications
Press Releases
Video Highlights
[No related items]