Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa suportang ibinigay ng gobyerno para sa mga overseas Filipino workers kaugnay ng repatriation noong kasagsagan ng pandemya.
Ayon sa datos mula sa COVID-19 Budget Utilization Report (2021) ng Department of Budget and Management, nasa PHP 19 bilyon ang ginugol ng pamahalaan sa COVID-19 response para sa repatriation ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ang buong proseso ng repatriation ay maraming interrelated factors, gaya ng pakikipag-ugnayan sa mga embassies at consulates, pagsisiguro ng ligtas na byahe ng mga OFWs pabalik ng Pilipinas, sapat at maayos na pasilidad para sa testing at mandatory quarantine period, medical care, mga pansamantalang matitirahan, at pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para sa pag-uwi ng mga OFWs sa kani-kanilang lalawigan.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “The COVID-19 and Filipino Migrant Workers: Looking into the Philippine Government’s Post-COVID-19 Support Mechanism” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/the-covid-19-and-filipino-migrant-workers-looking-into-the-philippine-government-s-post-covid-19-support-mechanism