Ilang mga senior high student sa ‘Pinas ang hindi makasulat ng disenteng pangungusap sa Ingles.
Ayon sa report ni Philippine Institute for Development Studies consultant Karen Brillantes, ilan umano sa mga senior high na naobserbahan ay hirap na sumulat sa wikang Ingles partikular sa mga asignatura kung saan kailangan nilang gumawa ng mga research paper.
Saad sa report, sumusulat lang ang mga estudyante ng mga proyekto o research paper para makapagpasa ng requirement.
Saad din ng PIDS na ang curricula umano ng SHS at masyadong ambisyoso at dinisenyo para sa mga advanced learner tulad ng mga nakapasa sa science high school.
“As such, may SHS students are unprepared for the materials they are assigned to study,” paliwanag dito.
Pinuna din ng report na kulang ang mga guideline, materyales at preparation para sa mga guro ng senior high students.
Dahil dito’y inabisuhan ang Department of Education, Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority para maisaayos ang programa ng SHS.