Ipinagdiinan ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat nang kumilos para lubos na makapagbigay ng comprehensive sexuality education (CSE) alinsunod  sa Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012.

Kasunod ito nang pagpapalabas ng Malakanyang ng executive order para maging prayoridad ang pag-iwas sa pagdami pa ng mga kaso ng batang pagbubuntis.

Paalala ni Gatchalian nakasaad sa batas ang pagkakaroon ng sex education na naayon sa edad.

Diin niya na napakahalaga nito para sa matulungan ang mga kabataan na magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa kanilang pangangatawan at maiwasan ang pagiging batang ina.

Dagdag pa ng senador ito ay para proteksyon na rin para sa pang-aabusong sekswal, karahasan at para sa pagiging responsableng kabataan at ang DepEd ay inilabas ang Order No. 31 noong 2018 para sa pagkasa ng CSE.

Binanggit niya na iniulat ng Commission on Population and Development (POPCOM) na noong 2019, ang mga batang Filipino na nagka-anak ay lumubo sa 62,510 mula sa 62,341 at 2,411 ay may edad 10 hanggang 14.

Sinabi pa ni Gatchalian na nabanggit din ng Philippine Institute for Development Studies na kulang din sa mga kuwalipikadong magtuturo ng CES, pasilidad at gamit.

“Ang pagbibigay ng sapat at wastong edukasyon ay isa sa mga pinakamahalagang hakbang na pwede nating gawin upang hindi mapagkaitan ang ating mga kabataan ng magandang kinabukasan,” diin niya.



Main Menu

Secondary Menu