Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang mga alegasyon na pinagkakakitaan nila ang paggamit ng Remdesivir at Tocilizumab.

Sa statement, ang paggamit ng dalawang gamot bilang treatment sa COVID-19 ay nakabatay sa Solidarity Trials ng World Health Organization (WHO), at ginagamit lamang ito para sa critical at severe cases.

Ang Pilipinas ay nag-aangkat ng gamot mula sa India para maipaabot ito sa mga low-income households sa pamamagitan ng botikang bayan sa ilalim ng Republic Act 9502 o Cheaper Medicines Act.

Sinabi rin ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang India ay mayroong mga abot-kayang gamot, at may malaking medicine market.

Ang Remdesivir at Tocilizumab ay hindi pa inirerekomenda para gamitin sa mild at asymptomatic cases.

Ang Remdesivir ay isang antiviral medication na makakatulong sa mabilis na paggaling ng COVID-19 patients habang ang Tocilizumab ay isang rehistradong anti-inflammatory drug, na pinaniniwalaang epektibo para bawasan ang mortality ng severe COVID-19 cases.



Main Menu

Secondary Menu