MAYNILA – Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) na isapubliko ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang mga bakanteng posisyon para mapunan ng mga taong nangangailangan ng trabaho lalo na sa gitna na pandemya.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, mayroong 260,974 bakanteng plantilla positions ngayon sa gobyerno mula Region 1 hanggang Bangsamoro region.

“Sa lahat ng heads of agencies na nakikinig, please open up, I-public ang ating mga positions, ‘wag tayong magre-reserve ng mga position sa mga kakilala natin. We need people onboard para marami rin tayong matulungan,” pahayag ni Lizada sa panayam sa ABS-CBN Teleradyo Sabado ng tanghali.

“Ito pong 260,974 plantilla positions dapat po pinupuno ito ng mga government agencies to eliminate our JOs (Job Orders), to eliminate our contract of services. Kung qualified naman po sila, let us open up and fill-up our vacant positions kasi maraming naghahanap ng trabaho, maraming hirap ngayon at kung qualified naman sila let government help them,” sabi ni Lizada.
 
Sakto rin aniya na may gagawing 5-day 2020 Government Online Career fair sa Setyembre 14 hanggang 18.

“We need government agencies to enrol starting July 1 to August 14 ang registration. We need to reach out to iba-ibang ahensiya ng gobyerno, mga LGUs, please enroll or register your agency sa 2020 Government Online Career Fair,” sabi niya.

Sa ngayon, nasa 34 mga ahensiya pa lamang ng gobyerno ang nakapag-register kabilang ang mga sumusunod:

    Land Transportation Office (LTO) Region 1
    Local government of Mauban, Quezon
    Land Bank of the Philippines
    City Government of Palayan, Nueva Ecija
    Philippine Children’s Medical Center
    Samar Provincial Hospital
    National Economic and Development Authority (NEDA)
    Masantol High School (formerly Sta. Lucia High School, Pampanga)
    Bureau of Jail Management and Penology Mimaropa Region
    Department of Education (DepEd) Division - City of Ilagan
    DOST Advance Science and Technology Institute
    Tourism Promotions Board
    Province of Davao del Norte
    Philippine Guarantee Corporation
    DSWD Central Office
    National Security Council
    Alaminos City Water District
    Government Procurement Policy Board
    Professional Regulation Commission
    Department of Transportation
    BJMP-CAR
    Philippine Institute of Development Studies
    Civil Service Commission
    BIR Revenue Region 913 of LaQueMar
    Governance Commission for GOCCs
    University of Science and Technology of Southern Philippines
    National Housing Authority
    Department of Education (DepEd) Oroquieta City Division
    DepEd Bukidnon Division
    City Government of Ormoc
    Batac National High School
    Doctor Jose Fabella Memorial Hospital
    Catanduanes State University
    Malaybalay City Water District

 
“Maraming bumabalik ng probinsiya, let us find a way for them to stay there by giving them decent jobs,” sabi niya.

Sa naturang career fair, kailangang dumaan sa online training ang mga lalahok na ahensiya ng gobyerno para masanay sila sa paggamit ng system sa online career fair.

Ang mga naghahanap naman ng trabaho ay kailangang may account sa jobstreet.com para makalahok sa 5-day career fair.

Main Menu

Secondary Menu