Sa likod ng kaunlaran sa ekonomiya, naiiwan pa rin ang mga mamamayan sa kahirapan
MAHIHIRAP, NAIIWAN PA RIN SA KAUNLARAN. Ito ang lumabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na sina Dr. Jose Ramon Gatmaitan Albert ng Philippine Institute for Development Studies sa isang pagpupulong kanina. Kailangang magkaroon ng mekanismo upang higit na maging aktibo ang mga na sa middle class na magkalakal at makasama sa pagunlad ng Ekonomiya. (Melo M. Acuna)
SAMANTALANG ibinabalita ng pamahalaan ang kaunlarang natatamo sa Ekonomiya sa mga nakalipas na taon, hindi pa rin nagtatagumpay ang bansang mabawasan ang kahirapan at madagdagan ang makikinabang sa progreso.
Ito ang buod ng pagsusuri nina Dr. Jose Ramon G. Albert at Martin Joseph M. Raymundo na mga mananaliksik ng Philippine Institute for Development Studies. Ibinahagi ni Dr. Albert ang kanilang natuklasan sa isang pagpupulong sa kanilang tanggapang dinaluhan ng mga mamamahayag.
Sinuri ng mga may akda ang mga nakikita sa macroeconomic statistics at sa progresong natamo ng pamahalaan sa ayon sa Philippine Development Plan at kung matutugunan ang layunin ng Millennium Development Goals.
sa pagsusuring kailangang matugunan ang kakulangan ng tinaguriang political inclusion tulad na rin ng impluwensiya ng political dynasties o pagsasaling-lahi ng mga politiko sa kanilang posisyon sa pamahalaan at sa lipunan.
Kailangan ding magkaroon ng tamang pagkakakilala sa middle class.
Ipinaliwanag ni Dr. Albert na hindi na kinikilala ang Pilipinas bilang "sick man of Asia" sapagkat patuloy na umunlad ang ekonomiya sa mga nakalipas na taon. Nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya sa consumption at tumataas o nadaragdagang investments at hindi na umaasa lamang sa exports 'di tulad ng ilang mga bansang umaasa sa mga produktong ipinagbibili sa bansa.
Bagaman, ani Dr. Albert, mabuti na ring pag-aralan ang nagaganap sa Tsina sapagkat sa laki ng ekonomiya ng Tsina tiyak na makaapekto ito sa mga kalapit bansa.
Hindi kailanman naging "agriculture economy" ang Pilipinas sapagkat ito'y palaging "service-driven economy" mula pa noong panahon ng Mexican galleons. Unti-unti umanong nawawala ang impluwensya ng sektor ng pagsasaka sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ang problema ay sa sektor ng agrikultura matatagpuan ang pinakamahihirap sa mga pook sa labas ng Metro Manila.
Ang nakalulungkot ay wala pang maliwanag na pahayag ang mga kandidato sa panguluhan kung ano ang kanilang gagawin sa sektor ng agrikultura liban sa mga "motherhood statements."
Kung middle class ang pag-uusapan, pinakamarami ang nasa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon.//