#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na sa mga Pilipinong walang financial account, 67.9 porsyento ang hindi nagbubukas ng accounts dahil sa kawalan ng pera?
Ayon sa World Bank Findex (2017), ito ang pinakakaraniwang dahilan ng mga financially-excluded na Pilipino. Sa mga karatig-bansa nito sa Asya, pumapangalawa ang Pilipinas sa bilang ng mga mamamayang ito ang dahilan, kasunod lamang ng Indonesia.
Ilan pa sa mga dahilang nabanggit ay layo ng mga bangko mula sa kanilang tirahan, cost o mga bayarin sa pagbubukas ng account, kawalan ng kinakailangang dokumentaryo, at relihiyon.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Understanding and Measuring Financial Inclusion in the Philippines