#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na 35.5 na porsyento ng mga balikbayang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang hirap humanap ng trabaho sa Pilipinas?
Ayon sa 2018 National Migration Survey, 6.3 na porsyento naman ang nahirapang humanap ng trabahong akma sa kanilang mga kakayanan. Limang porsyento naman ang nahirapang magtaguyod ng negosyo, habang 2.3 na porsyento naman ang nahirapang muling makilahok sa lipunan.
Kaugnay nito, lumabas din sa survey na 3.6 na porsyento lamang sa mga balikbayang OFWs ang nakatanggap ng suporta mula sa pamahalaan.
Alamin ang mga katangian ng migrasyon ng mga Pilipino sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang: “Analyzing the Characteristics of International Migration in the Philippines Using the 2018 National Migration Survey” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/analyzing-the-characteristics-of-international-migration-in-the-philippines-using-the-2018-national-migration-survey