#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na 10 porsyento ng gross domestic product ng bansa ay mula sa digital economy?
Ayon sa Philippine Statistics Authority (2022), PHP 1.87 trilyon ang gross domestic value added ng digital economy noong taong 2021, mas mataas pa sa PHP 1.84 trilyon noong 2018.
Bukod dito, 13 porsyento ng kabuuang bilang ng employed population ng bansa ay kabilang sa digital economy.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang buong lathalain: Critical Issues in the Philippine Digital Economy