#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na magkaugnay ang digitalization at green transition sa pagkamit ng isang mas matatag, ingklusibo, at masaganang kinabukasan?
Makabubuti ang twin transition (digitalization + green transition) sa mga developing countries gaya ng Pilipinas dahil mapagsasabay nito ang proseso ng industrialization at pangangalaga ng kalikasan.
Magagamit ang digital technologies sa kabuuang proseso ng bawat industriya, mula sa pag-develop at paglikha ng mga produkto, pagpapabilis ng operasyon, hanggang sa materials recovery. Samantala, ang green transition naman ay makatutulong upang masiguradong ang mga prosesong ito ay efficient, sustainable, at resilient.
Dagdag pa rito, mas magiging matatag ang mga industriya sa mga supply chain shocks dahil sa mas wais at epektibong paggamit ng mga resources.
Ngayong Setyembre, ating ipinagdiriwang ang 21st Development Policy Research Month na may temang "Maging Makakalikasan at Digital Para sa Higit na Matatag, Ingklusibo, at Masaganang Kinabukasan Para sa Lahat".
Bisitahin ang https://dprm.pids.gov.ph/ para sa karagdagang impormasyon.