#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na bukod sa mga bata, suliranin rin ng mga kababaihan lalo na ng mga nasa mahihirap na pamilya ang malnutrisyon?
Base sa resulta ng 2015 National Nutrition Survey, 11 na porsyento ng mga kababaihang nasa hustong gulang ay kulang sa timbang. Nasa 28 na porsyento naman ng mga kababaihang edad 18 hanggang 20 ang underweight. Ang bilang na ito ay mas mataas sa mga mas mahihirap na pamilya.
Bukod dito, karamihan sa mga inang mula sa mahihirap na pamilya na nasa early 20s o tugatog ng kanilang child-bearing years ay kulang sa timbang.
Alamin ang kalagayan ng malnutrisyon sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang: “Breaking the Curse: Addressing Chronic Malnutrition in the Philippines Using a Health System Lens” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/breaking-the-curse-addressing-chronic-malnutrition-in-the-philippines-using-a-health-system-lens