#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na sa kabila ng masaganang ani ng palay sa Pilipinas, nahuhuli pa rin ang bansa pagdating sa growth rate, kumpara sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Ayon sa Food and Agriculture Organization, bahagyang umakyat sa 4.09 metric tons per hectare (mt/ha) ang ani ng palay sa bansa noong 2020, kumpara sa 4.04 mt/ha noong 2019.
Bagamat apat na beses nang lumampas sa 4 mt/ha ang ani ng palay ng Pilipinas (noong 2014, 2018, 2019, at 2020), pangalawa lamang sa huli ang bansa pagdating sa growth rate, na nasa 0.92 porsyento.
Alamin ang estado ng agricultural technology sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Agricultural Technology: Why Does the Level of Agricultural Production Remain Low Despite Increased Investments in Research and Extension?” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/agricultural-technology-why-does-the-level-of-agricultural-production-remain-low-despite-increased-investments-in-research-and-extension