#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na noong 2021, sa kabila ng mga COVID-19 outbreaks, nakabawi ang ekonomiya dahil sa vaccination program at pagluluwag ng mga restrictions?
Umabot sa 45 na porsyento ng populasyon ang nakatanggap ng full dose ng COVID-19 vaccines sa katapusan ng 2021.
Noong unang anim na buwan ng 2022, umabot ang vaccination coverage sa 64 na porsyento, na nakatulong sa GDP na umangat sa 7.7 na porsyento.
Alamin ang kalagayan ng ekonomiya sa bansa sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Macroeconomic Prospects of the Philippines in 2022–2023: Steering through Global Headwinds” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/macroeconomic-prospects-of-the-philippines-in-2022-2023-steering-through-global-headwinds